(1170–1221) fraileng nagtatag ng ordeng Dominiko noong 1215
sán•to
1:
sa Katoliko Romano, tao na idineklarang banal ng simbahan
2:
titulo ng isang santo o arkanghel
3:
imahen o larawan na makikíta sa simbahan at tahanan ng mga Katoliko
Hu•wé•bes Sán•to
:
Huwebes sa Mahal na Araw
Santo Niño (sán•to nín•yo)
:
ang batàng si Hesus
Es•pí•ri•tú Sán•to
:
Banál na Espíritú
Bi•yér•nes Sán•to
:
sa mga Kristiyano, ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabúhay at gumugunita sa pagkakapakò sa krus ni Kristo; tradisyonal na araw ito para sa pag-aayuno at penitensiya
sán•to o•le•ó
:
ang sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa naghihingalo
Por Di•yos! Por San•to!
:
sambitlain kapag nagagálit o kung minsan, kapag humihibik.